Barangay sa Laoag may libreng sakay sa mga bibili ng mga pangangailangan sa gitna ng Luzon lockdown

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 06:55 PM

Chevylle Farinas

LAOAG CITY - Komportable ang biyahe ng mga residente ng Barangay 55-C Vira para mamili ng kanilang mga pangangailangan sakay ng libreng coaster at van.

Ito'y habang suspendido ang public transport sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pero hindi lang simpleng coaster ang kanilang sinasakyan dahil sa garbo nito, tila pang-artista ang loob nito.
 
May sariling banyo at telebisyon ang bus na pag-aari ng dating alkalde ng lungsod.

Hindi rin basta-basta makakasakay dito kung walang suot na face mask.

Limitado lang din sa walong pasahero ang puwedeng sumakay dito kada biyahe.

Araw-araw na bibiyahe ang libreng shuttle service mula alas-6:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Watch more in iWant or TFC.tv
 Video mula kay Chevylle Farinas