PatrolPH

Binatang suspek sa rape-slay ng 5-anyos sa Cavite, sumuko

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2019 05:09 PM

MAYNILA - Sumuko na nitong Lunes ang suspek sa pagpatay at panggagahasa sa isang 5-anyos na babae sa Naic, Cavite noong Biyernes.

Ayon kay Police Lt. Col. Janet Arinabo, hepe ng Naic Police, nagdesisyon umano ang 16-anyos na suspek na sumuko dahil natatakot siya para sa kaniyang kaligtasan.

Dagdag ni Arinabo, inamin din umano ng suspek ang pagpatay.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang laundry bag sa ikalawang palapag ng isang bakanteng bahay.

Naglalaro lamang ang biktima nang biglang mawala ito.

Tumulong pa ang suspek sa paghahanap sa biktima at pagrereport sa pulisya.

Nakatakdang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development ang suspek.

Kasong rape with homicide ang isinampa sa suspek nitong Martes ng hapon sa Cavite Provincial Prosecutors Office.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.