Trak tumaob sa Nueva Ecija; 3 patay, 14 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2018 07:34 PM

Tatlo ang patay at hindi bababa sa 14 ang sugatan sa pagtaob ng isang trak sa bahagi ng Barangay Pias sa General Tinio, Nueva Ecija, Lunes ng hapon.

Ayon kay Police Senior Inspector Adriano Gabrial, hepe ng General Tinio Police, kakambyo umano ang drayber ng trak ngunit hindi ito kumagat.

Umatras ang trak at tumaob na ikinamatay ng tatlong sakay nito.

Isinugod naman sa ospital sa General Tinio ang 14 na iba pang sugatan sa insidente.

Dagdag ni Gabriel, nasa 20 hanggang 30 ang pasahero ng trak.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang 30-taong-gulang drayber ng trak na si Joel Francia. - Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.