Guwardiya patay matapos barilin ng sinitang motorista

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2018 07:57 AM | Updated as of Mar 26 2018 08:14 AM

MANILA - Patay ang isang 22-anyos na security guard matapos barilin ng nakaalitang motorista sa Meycauayan City, Bulacan nitong Linggo.

Nagpaparada ng sasakyan ang 38-anyos na suspek sa tapat ng isang subdivision malapit sa San Isidro San Roque Church nang sitahin at paalisin ng biktimang si Ronald Clacio.

Nagtalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang guwardiya.

Inaresto ang suspek ng mga rumespondeng pulis at nakumpiska sa kaniya ang isang Glock 40.

Nahaharap siya sa kasong murder.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.