CAFGU member, patay sa pamamaril sa Albay

Erick Baldo, ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2018 11:14 PM | Updated as of Dec 24 2018 10:29 PM

Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) habang sugatan ang kaniyang isang kasama nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa Barangay Centro Occidental sa Polangui, Albay Lunes ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Arnilo Secretario, 40-anyos na miyembro ng CAFGU at taga-Libon, Albay.

Sugatan naman ang drayber ng sinasakyang motorsiklo na si Jonasis Bonit na taga-Polangui, Albay.

Papunta umano ang dalawa sa isang road widening project sa Nabua, Camarines Sur nang mangyari ang pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.