Lalaki, binitbit sa presinto matapos magwala sa Tondo

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2017 08:48 AM

MANILA - Isang lalaki ang binitbit ng mga barangay tanod sa presinto matapos umanong magwala sa Tondo, Maynila.

Kwento ng ilang residenteng tumangging magbigay ang panglan, bigla na lang daw silang hinabol ng tubo ni Noli Ignacio habang nag-iinuman sila sa Perla Street.

Nakaganti ang grupo at nasapak si Ignacio. Pero bigla naman silang niresbakan ng ama nitong si Pepe Ignacio na naghabol din ng tubo na may patalim sa dulo.

Kwento ng nakatatandang Ignacio, may problema sa pag-iisip ang kanyang anak na lumaki sa Hawaii at madalas daw siyang binu-bully sa kanilang lugar sa Tondo.

Kumbinsido rin ang pulisya na wala nga sa katinuan ang nakababatang Ignacio kaya ipinag-aayos na lamang ang dalawang grupo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.