Halos 100 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2017 06:29 PM

Fire broke out in a residential area in Alabang, Muntinlupa on Sunday. Photo courtesy of Segundino Odtuhan

MANILA -- Tinatayang 100 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog sa isang residential area sa Ilaya Street, Alabang sa Muntinlupa nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog bandang 2:30 ng hapon at mabilis na itinaas sa ikatlong alarma matapos ang ilang minuto.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan.

Umabot ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang fire out bandang alas-4 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan dahil sa insidente.

Inaalam pa ng Bureau of Fire protection ang pinagmulan ng sunog. -- with a report from Raya Capulong, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.