Bahagi ng pabrika sa Muntinlupa, nasunog

Michael Delizo, DZMM

Posted at Mar 26 2017 10:42 AM

MANILA - Nasunog ang imbakan ng kemikal sa pabrika ng CDI Sakada Inx Corp. sa Alabang, Muntinlupa Linggo.

Dakong alas-7:28 ng umaga nagliyab ang imbakan ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng pintura.

Nabalot ng makapal at maitim na sunog ang gusali dahil sa insidente.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito nakontrol alas-8:25 ng umaga.

Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog at halaga ng iniwan nitong pinsala.

Wala namang nasaktan sa insidente bagama't nagdulot ito ng pagsisikip ng trapik sa lugar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.