WAO MDRRMO
Nasira ang 15 bahay sa Barangay Banga sa Wao, Lanao del Sur dahil sa malakas na hangin nitong Biyernes ng hapon.
Tinangay ang bubong ng karamihan sa mga bahay. Inilipad din ang bubong ng barangay hall at nawasak ang salamin na pintuan nito.
Ang ibang bahay ay nasira nang tamaan ng mga natumbang puno. Ang mga bahay ay gawa lamang sa light materials.
Ayon kay Francis Garcia, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Wao, sinabayan ng ulan at hailstorm ang malakas na hangin.
Maraming tanim din sa sakahan tulad ng mais, kamatis, at ibang gulay ang nasira.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagsusuri kung may ibang bahay pa o istruktura ang nasira dahil sa malakas na hangin.
Kinukuha na rin ang pangalan ng mga apektadong pamilya para mabigyan ng ayuda.
KAUGNAY NA ULAT:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.