MAYNILA - Isang residential area sa Parañaque City ang tinamaan ng sunog nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa 5th alarm ang naturang sunog sa Airport Village sa Brgy. Moonwalk.
Hindi pa naaapula ang sunog, sa pagkakasulat ng ulat na ito.
Samantala, lima ang naiulat na sugatan sa isang sunog din sa Brgy. Aldana, Las Piñas City.
Umabot sa unang alarma ang sunog ng alas 7:35 ng gabi, ayon kay BFP Las Piñas chief operations officer Maria Luisa Andrada. Naapula umano ang pagsiklab pasado alas 10 ng gabi.
Nalapatan na umano ng lunas ang mga nasugatan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog. - May ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.