MAYNILA - Posibleng sa April 6 o pagkatapos ng Holy Week gagawin ang pagdinig ng Senado hinggil sa umano'y "tong-pats" o pangungumisyon ng sindikato sa loob ng Department of Agriculture sa importasyon ng manok at baboy.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III nitong Miyerkoles, ito'y dahil naka lockdown pa ang Senado kaya sa susunod na buwan na posible ang hearing ng Senate Committee of the Whole.
Posible aniya na isang araw lang ito gawin kung saan naka-semi lockdown na ang Senado.
Sa resolusyon na ipinadala sa Malacanang, sinabi ng mga senador na hindi makatwiran ang rekomendasyon ng DA na mag-angkat ng higit 400 milyong kilo ng karneng baboy at ang rekumendasyon din nito na ibaba sa 5 percent ang kasalukuyang 30 to 40 percent na taripa sa importasyon
Kapag nasunod ito, babaha umano ang pork sa buong bansa at papatayin daw nito ang local hog industry habang mawawalan umano ang gobyerno ng halos P14 bilyon na buwis.
Mayroon din daw "tong-pats" sa bawat kilo ng inaangkat na baboy at manok.--Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News
MULA SA ARKIBO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
sindikato, DA, Department of Agriculture, Senate, Senado, TeleRadyo, Tagalog news