PatrolPH

Pawikan natagpuang patay sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2021 10:32 PM

Pawikan natagpuang patay sa Capiz 1
Isang patay na pawikan ang nakita sa baybayin ng Barangay Agojo sa Panay, Capiz. Larawan mula kay Ralphine Forte Jr.

Isang patay na pawikan ang nakita sa baybayin ng Barangay Agojo, Panay, Capiz, Huwebes ng umaga.

Tinatayang nasa 15 hanggang 20 kilos ang namatay na pawikan.

Kaagad na inilibing sa pangpang ang namatay na pawikan. Hindi naman matukoy ng awtoridad ang dahilan ng pagkamatay nito. Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.