PatrolPH

P360,000 halaga ng shabu, nasabat sa Cabanatuan; babae at menor de edad, tiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2021 10:50 PM

Dalawang itinuturong tulak ng ilegal na droga ang inaresto ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Miyerkoles.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga nahuli na si Rosemarie Santos, 41 anyos. Menor de edad umano ang isa pang suspek.

Nakuha sa kanila ang 21 sachet ng shabu na nasa 53 gramo ang bigat at tinatayang nasa P360,000 ang halaga.

Kinasuhan na si Santos ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.