PatrolPH

Leader umano ng gun-for-hire group, patay sa shootout sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2021 05:53 AM

Patay ang isang itinuturong leader ng gun-for-hire group sa isang shootout sa bayan ng Orani, Bataan nitong Miyerkoles.

Napatay sa isang entrapment/buy-bust operation ang suspek na kinilalang si "Junjun" sa Vicinal Road sa Brgy. Mulawin.

Sa inisyal na imbestigasyon, bago pa man magkapalitan sa binibiling caliber .357 revolver pistol, nakatunog umano si "Junjun" na pulis ang katransaksyon. Kagaad itong tumakbo paalis at nang habulin ng mga operatiba, doon na umano ito bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis. 

Sa pagganti ng putok ng mga pulis, tinamaan si "Junjun" habang nakatakas naman sakay ng motorsiklo ang isang kasamahan nito. 

Itinakbo pa sa Orani District Hospital pero idineklara din siyang dead-on-arrival sa ospital.

Narekober sa crime scene ang caliber .357 revolver, 9mm caliber pistol, at magazine at mga bala ng mga ito.

Ayon sa mga awtoridad, si "Junjun" ang itinuturong leader ng Junjun Criminal Group (CG) na sangkot umano sa gun-running, gun-for-hire, illegal dynamite selling, illegal drug trade at extortion sa Bataan.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.