2 binatilyo nalunod sa lawa sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2021 05:59 AM

Kuha ng Talomo Police Station

DAVAO CITY - Nalunod ang dalawang menor de edad na lalaki sa lawa ng South Pacific Golf and Residential Estates sa Brgy. Catalunan Pequeño, Davao City Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, kasama ng mga biktima ang tatlo pang menor de edad na umakyat sa bakod ng subdivision para maligo sa lawa.

Nang malunod ang unang biktima, sumaklolo ang isa pa, pero nalunod din ito.

Rumesponde ang Davao City Central 911 rescue team, pero wala nang pulso ang mga binatilyo. Isinugod sila sa ospital, at dito idineklara silang dead-on-arrival.--Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.