TINGNAN: Physical distancing tila hindi nasunod sa pagpila para sa quarantine pass sa Davao Del Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2020 02:13 PM

Hindi nasunod ang mungkahi ng health experts na "physical distancing" para makaiwas sa COVID-19 nang pumila ang nasa 500 residente para kumuha ng quarantine pass sa Barangay Tibal-og sa Sto. Tomas, Davao Del Norte. Mga larawan mula kay May Ruales Partol

STO. TOMAS, Davao Del Norte - Halos dikit-dikit sa pila ang mga residente ng Barangay Tibal-og sa bayan na ito, Miyerkoles, sa pagkuha ng pass na magpapahintulot sa kanilang panandaliang lumabas ng tahanan habang naka-lockdown ang buong rehiyon para pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019. 

Nasa 500 tao ang kumuha ng quarantine pass kaya hindi nasunod ang mungkahi ng health department na "physical distancing" o paglalaan ng isang metro na pagitan sa ibang tao upang maiwasang mahawa ng COVID-19, ayon sa residenteng si May Ruales Partol, na nagbahagi ng mga litrato sa ABS-CBN News. 

Umabot aniya ang pila sa labas ng cultural office building ng munisipyo. 

Sinabi naman ng Sto. Tomas government na inutusan nito ang Barangay Tibal-og na ihinto ang pamimigay ng quarantine pass at inirekomendang dalhin na lang ng mga purok chairman ang mga ito sa bawat bahay. 

Hinikayat din ng pamahalaang bayan na manatiling kalmado ang mga residente sa kabila ng anila'y "lapses" o pagkakamali sa inisyal na pamamahagi ng naturang passes. 

Bukod sa Davao Region, nasa ilalim din ng quarantine ang lahat ng mga kabahayaan sa buong Luzon hanggang Abril 12 upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19. 

Nitong Martes, 552 kaso na ng naturang respiratory disease ang nakumpirma sa buong bansa, kabilang ang 35 pasyenteng nasawi at 20 na gumaling. 

- Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.