TINGNAN: 'No-contact' bayad sa jeep dahil sa COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2020 10:47 AM

Ibang lebel ng physical distancing ang ipinatutupad ng isang driver ng jeep sa kaniyang pamamasada sa Davao City.

Imbes na iabot sa driver ang pamasahe, ilalagay na lamang ng mga pasahero ang bayad sa isang plastic container na nakapatong sa upuan.

 

Umaasa na lamang ang driver na magiging tapat ang mga commuter sa kanilang bayad at maging sa pagkuha ng kanilang sukli.

Samantala, tatanggap naman ang nasa 3,000 jeepney drivers sa Davao City ng P11,880 pinansiyal na ayuda sa loob ng isang buwan dahil direkta silang maaapektuhan ng physical distancing measures laban sa coronavirus disease 2019.

Dapat ay walong pasahero lamang ang sasakay bawat byahe para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.