Sa panawagan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kampanyang "Pantawid ng Pag-Ibig," isa ang The Bistro Group sa mga kompanyang tumugon at nagpadala ng food packs sa mga sapul ng community quarantine. ABS-CBN News
Namomroblema ang 48 anyos na labanderang si Divina Contreras na taga-Barangay Ususan, Taguig ngayong hindi makalabas ang kaniyang street sweeper na asawa sa gitna ng enhanced community quarantine na ipinapatupad sa buong Luzon.
Dahil dito, nagsisikap silang pagkasyahin ang kinikita niyang P500 sa paglalabada habang umiiral ang lockdown.
“Natatakot din po, pero walang magagawa, kapag di kami naghanapbuhay mamamatay ka sa gutom,” paliwanag niya.
Sa panawagan ng ABS-CBN sa pamamagitan ng kampanyang “Pantawid ng Pag-Ibig,” isa ang The Bistro Group sa mga kompanyang tumugon at nagpadala ng food packs.
At sa tulong ng lokal na pamahalaan, naipamahagi ito sa mga residente ng Ususan.
Ilang araw nang namimigay ang The Bistro Group magmula nang ipatupad ang lockdown.
Kabilang sa pinapadalhan ay mga ospital, volunteer, maging mga pulis na nasa checkpoints.
Para kina Contreras, malaking bagay na nakakarating sa kanila ang tulong ngayong hindi sila nakakalabas.
“Malaking bagay na po yan kahit papaano'y may dumarating na grasya Kahit di makalabas. Pasalamat lang po kami,” ani Contreras.
Bukod sa The Bistro Group, nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga naging partner ng proyektong ito:
- Century Pacific Foods Inc.
- Rebisco
- Suy Sing Corporation
- Lucio Tan Group Inc.
- McDonald's
- Quick Chow Noodles
- Mega Sardines
- Great Taste 3-in-1
- Sunsilk Shampoo
- Safeguard
- Hana Shampoo
- Champion Detergent
- Unilab
- Ritemed
- Generika Drugstore
- Air21
- Entrego
- Grab
- Angkas
Sakaling interesadong magpaabot ng tulong pinansiyal, maaari itong iabot sa mga sumusunod na bank number:
-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, coronavirus, COVID-19, coronavirus Philippines update, COVID, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update, coronavirus public service, TV PATROL, TV PATROL TOP, Pantawid ng Pag-Ibig