PUERTO PRINCESA, Palawan -- Ipinasundo ng Moscow ang 18 Russian na turista na naistranded sa lalawigan na ito, matapos ilagay sa lockdown ang buong Luzon para mapigil ang pagkalat ng novel coronavirus, ayon sa mga lokal na opisyal.
Nakipag-ugnayan ang Russian Embassy kay Defense Secretary Delfin Lorenzana para makapagpadala ng isang Philippine military aircraft na sumundo sa grupo nitong Martes ng gabi, ani Palawan information officer Winston Arzaga.
Galing aniya sa El Nido, Port Barton at San Vicente ang mga naistranded na Russian. Mula sa Puerto Princesa, didiretso sila sa Mactan International Airport sa Cebu, kung saan sila sasakay ng special flight pauwi ng kanilang bansa.
Nasa 324 pang turista na may iba't ibang nasyonalidad ang istranded pa rin sa Palawan, ayon sa datos ng Department of Tourism.
Inaasahang makakalipad sila pauwi sa Marso 26, Huwebes, ani Arzaga.
Magtatagal ang lockdown ng buong Luzon, na mayroong nasa 50 milyon na residente, hanggang Abril 12.
Nitong Martes, pumalo na sa 552 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, kabilang na ang 35 na nasawi at 20 pasyenteng gumaling.
DZMM, regions, Palawan COVID, COVID Luzon lockdown, COVID stranded tourists,, COVID latest, COVID updates, COVID second wave, ncov, health, virus, coronavirus