Food packs, personal na ipinamahagi ng mga barangay official sa Davao City

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2020 09:37 PM

DAVAO CITY - Mismong ang mga opisyal sa barangay na ang namahagi ng food packs sa mga residente sa Barangay Langub, Davao City Miyerkoles ng umaga.

Ito ang nakita nilang paraan para maiwasan ang mass gathering o pagtitipon-tipon ng mga residente para kunin ang food packs at masunod ang social distancing.

Tigdadalawang food packs ang ibinigay sa bawat bahay.

Ayon kay Barangay Kagawad Bernie Pepito, 1,100 household ang target nilang mabigyan ng food packs na kahapon pa nila inumpisahan.

Hihintayin pa ng barangay ang karagdagang batch ng food packs na kanilang ipapamahagi sa mga residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.