COVID-19 bayanihan: Magsasaka ipinamigay ang kaniyang ani sa mga kababayan sa Laoag

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2020 05:00 PM

LAOAG, Ilocos Norte -- Ipinamahagi ng isang magsasaka sa kaniyang mga kapwa residente sa lungsod na ito ang kaniyang inaning kamatis bilang tulong sa gitna ng lockdown ng buong Luzon upang mapigil ang pagkalat ng coronavirus. 

Dahil sa malawakang quarantine, natigil ang operasyon ng kompanyang pinagdadalhan ng ani ng magsasakang si Patrick Jose, 27, kuwento niya sa panayam ng ABS-CBN News ngayong Miyerkoles. 

Ibinigay nang libre ng magsasakang si Patrick Jose sa kaniyang mga kababayan ang kaniyang mga inaning kamatis sa Laoag City, Ilocos Norte sa gitna ng Luzon lockdown. Larawan mula kay Juan Tabios III

Kaysa mabulok aniya ang mga kamatis, isinupot na lang niya ang ani at nagbahay-bahay siya upang ipamigay ang mga ito sa Barangay 38B at mga karatig na lugar. 

Simula nitong Lunes, nasa 10,000 kilo na aniya ng kamatis ang kaniyang naipamahagi nang libre. 

"Masaya [ako] kahit ganitong may epidemya, nakatulong kahit paano," sabi ni Jose. 

Nakapagtala na ang health department ng 636 kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang nitong Miyerkoles. Kasama rito ang 38 pasyenteng nasawi at 26 na gumaling. 

Inaasahang tataas pa ang naturang bilang dahil mas marami na sa mga may sintomas ang maaaring i-test sa pagdating ng karagdagang test kits mula sa ibang bansa, ayon sa health department. 

Nakatakdang manatili ang Luzon, na may nasa 50 milyon na residente, sa ilalim ng lockdown hanggang Abril 12.  -- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.