2 lalaking walang quarantine pass nakitaan umano ng droga sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2020 12:02 PM

MAYNILA - Nasakote ang 2 lalaki nang makuhanan ng droga sa checkpoint sa Caloocan City nitong Miyerkoles. Wala din sila umanong mga quarantine pass hapon ng Martes. 

Batay sa paunang ulat ng Northern Police District, mga residente ng Tondo at Malabon ang mga suspek. 

Dumaan ang mga suspek sa checkpoint papasok ng Barangay 36, pero agad umani ng napansin dahil wala silang suot na face masks.

Nang harangin at sitahin ay doon nakita ang pakete ng hinihinalang droga. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek. 

— Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.