Indian national pinatay ng riding-in-tandem sa Mindoro

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2019 08:14 AM

Iniinspeksyon ng mga pulis ang lugar kung saan binaril ang isang negosyanteng Indian national. Larawan mula sa Mimaropa police

BONGABONG, Oriental Mindoro -- Patay ang isang negosyanteng Indian national matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin sa Strong Republic Nautical Highway, Barangay Orconuma sa bayan na ito, Sabado ng umaga.

Sakay rin ng motorsiklo ang 60-anyos na biktimang si Gurdev Singh nang tapatan at pagbabarilin ng 2 riding-in-tandem na lalaki, ayon sa 2 testigo. 

Dead-on-the-spot si Singh dahil sa tama ng kalibre .45 na bala sa ulo at tiyan, batay sa ulat ng Mimaropa police. 

Inaalam pa ang motibo sa krimen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.