PatrolPH

Department store nasunog sa North Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2019 12:07 PM | Updated as of Mar 25 2019 03:20 PM

Department store nasunog sa North Cotabato 1
Natupok ang isang department store sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato ngayong Lunes. Arianne Apatan, ABS-CBN News

KABACAN, North Cotabato (UPDATE) - Natupok ang isang department store dito sa bayang ito ngayong Lunes.

Tinatayang nasa P70 milyon ang danyos sa sunog sa Sugni Superstore na nagsimula bandang alas-6 ng umaga, ayon sa lokal na tanggapan ng Bureau of Fire Protection.

Ayon sa ilang mga trabahador na stay-in sa tindahan, napansin na lang nila na tila may nangangamoy sunog at may usok na mula sa unang palapag ng tindahan.

Matapos magtulong-tulong ang 7 fire trucks para maapula ang sunog, idineklara nang fire under control ang sitwasyon doon bandang alas-9:30. 

Tuluyang naapula ang sunog alas-12:30 ng hapon.

Hindi pa matiyak ng BFP ang dahilan ng sunog, ngunit naniniwala ang may-ari ng tindahan na si Mike Khemani na aksidente ang nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.