2-taong-gulang patay sa sunog sa Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2019 07:54 AM

SABLAYAN, Occidental Mindoro -- Patay ang isang 2-taong-gulang na bata matapos masunog ang nasa 10 bahay sa bayan na ito, Linggo ng madaling-araw. 

Nagsimula ang sunog sa upholstery shop at mabilis kumalat sa mga kalapit na bahay sa Barangay Buenavista, ayon sa mga imbestigador. 

Sunog na sunog na anila nang marekober ang bangkay ng paslit na biktima. 

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng apoy na tumagal ng 3 oras. 
 
Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.