Warehouse sa Taguig nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2018 10:29 PM

MAYNILA - Isa na namang sunog ang sumiklab sa siyudad ng Taguig ngayong Linggo.

Bukod pa sa sunog sa mga bahay sa Western Bicutan, nasunog din ang isang warehouse sa TBCAI compound sa Barangay Bagumbayan.

Nakataas na sa ikaapat na alarma ang sunog na naiulat pasado alas-6 ng gabi. 

Una nang sumiklab ang sunog sa TUP compound sa Western Bicutan, na itinaas naman sa ikalimang alarma. 

Sabay na inaapula ng mga bombero ang dalawang sunog sa iisang lungsod. -- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.