Traffic sa SLEX, bumagal dahil sa makapal na usok mula sa grassfire

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2018 03:57 PM

Kuha ni Jefferson Fernando, ABS-CBN News

MAYNILA - Nagdulot ng pagsisikip sa trapiko ngayong Linggo ang makapal na usok mula sa nasusunog na talahiban sa South Luzon Expressway, paglampas ng toll plaza ng Cabuyao, Laguna. 

Partikular na bumagal ang trapiko sa northbound ng bahaging iyon ng expressway dahil sa sunog na sumiklab pasado alas-2:00 ng hapon. 

May mga bombero nang rumesponde sa insidente ng grassfire. Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng sunog. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.