Sunog sumiklab sa tabi-tabing mga bahay sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2018 04:57 PM | Updated as of Mar 17 2020 12:00 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Sumiklab ang sunog sa tabi-tabing mga bahay sa kalye ng Bambang kanto ng Yakal sa Tondo, Linggo ng hapon.

Isang lalaki ang naitalang sugatan sa sunog na nagsimula bandang alas-2 ng hapon at agad itinaas sa ikatlong alarma.

Kanya-kanyang hakot ang mga residente sa kanilang paglikas habang ang ilan naman ay tumulong na rin sa pag-apula ng apoy. -- ulat mula kay Zhander Cayabyab, ABS-CBN News