DUBAI - Ayon sa World Health Organization, nangungunang dahilan ng kamatayan ang cancer sa buong mundo. May 10 milyong cancer related deaths ang naitala worldwide at may dalawang libo ang nasawi sa UAE dahil sa nasabing sakit. Dahil sa nakaalarmang bilang ng cancer deaths, minarapat ng Saint Mary’s Catholic Church sa Dubai na ibalik ang walk for a cause o 'Mercithon' na kanilang inorganisa noong 2017.
Sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Dubai, higit 14-libong UAE residents ang lumahok sa Mercithon layon ng programa na makalikom ng pondo para sa 51 cancer patients.
Todo suporta rin ang mga Pinoy sa programa lalo’t 90% o 46 sa beneficiaries ay Pinoy cancer patients.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC News sa TFC News sa TV Patrol.
PANOORIN ANG BUONG REPORT: