Mahigit 500 gramo ng shabu ang nasabat ng mga awtoridad kahapon mula sa Philippine Post Office sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Customs, nanggaling pa sa New Delhi, India ang nakumpiskang droga, na nagkakahalaga ng halos 3.5 million pesos.
Sinubukan itong itago sa loob ng isang metal container, na idineklara naman bilang universal engine.
Hawak na ng mga awtoridad ang babaeng tumanggap nito at nagpunta mismo sa post office para tanggapin ang iligal na kargamento.
Sa kanyang pagkakahuli, inamin niya na binayaran lamang siya para i-claim ito.
Suspetya ng BOC, parehas na grupo ang nasa likod ng insidenteng ito at sa nasabat ding shabu sa isang warehouse sa Pasay noong March 20.
Tinatayang nasa 400 milyong piso naman ang halaga noon, at nanggaling sa Guinea, Africa.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.