PatrolPH

AFP divers inatasang kalkulahin ang oil spillage ng MT Princess Empress

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2023 01:44 PM


MAYNILA -- Pinag-aaralan na rin ng Department of Justice (DOJ) at ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagde-deploy ng divers sa pinaglubugan ng MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Oriental Mindoro.

Sa chance interview kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Biyernes, sinabi niya na kasama ito sa mga napag-usapan sa ika-apat na inter-agency meeting nitong Huwebes sa DOJ. 

Ayon kay Remulla, may mga kinuha na rin silang consultant para alamin kung gaano karaming langis na ang tumagas sa MT Princess Empress at kung gaano karami pa ang natitira dito. 

“Yun nga yung ating tinitingnan, we want the divers to come down to be able to calculate the rate of spillage to the ocean to know how much oil is spoiling out of the tanker and we asked the OCD to mobilize some of the divers from the Armed Forces," ani Remulla.

Sabi ng kalihim, tinuturuan na ng kinuha nilang consultant ang mga divers na sisisid sa Oriental Mindoro para makalkula kung gaano talaga karami ang oil spillage mula sa MT Princess Empress. 

“Tinuturuan na sila kung paano ikalkula yung rate of ascend to puwede nating ikalkula kung ilan pa naiiwan at kung meron pa talagang naiiwan - yun ang critical part dito,” dagdag pa ni Remulla. 

Una nang sinabi ni DOJ spokesman Assistant Secretary Mico Clavano sa hiwalay na panayam nitong Huwebes na posibleng wala nang laman na langis ang lumubog na tanker. 

“The bulk of the meeting was about containing the oil spill…The main priority is really containing itong oil spill. There was an initial report, although these are unverified, there are 23 holes - each hole will release about 2 liters per minute so if you do the computation as of today, mukhang ubos na lahat ng oil na nasa tanker. The response would be not about salvaging the tanker but instead containing na lang yung pag-spread,” sabi ni Clavano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.