PatrolPH

Presyo ng gulay tumaas sa Cainta Market

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2022 10:59 AM

MAYNILA - Tumaas ang presyo ng ilang gulay sa Cainta Market ngayong umaga ng Huwebes. 

PRESYO NG GULAY

  • Kamatis → P85/kilo (dati P30-35/kilo) 
  • Carrots → P110/kilo (dati P90/kilo)
  • Calamansi → P90/kilo (dati P80/kilo)
  • Ampalaya → P110/kilo (dati P80/kilo)
  • Talong → P70/kilo (dati P50/kilo)
  • Bell pepper → P300/kilo (dati P250/kilo)
  • Kalabasa → P50/kilo (dati P25/kilo)
  • Patatas → P55/kilo (dati P80/kilo)

Nasa P180 naman kada kilo ang manok na buo habang P190 kada kilo ang choice cuts. 

Ang baboy, nasa P340 kada kilo ang laman habang nasa P370 kada kilo ang liempo. 

Dahil sa taas-presyo, halos wala nang nauuwing kita ang mga nagtitinda dahil sa iba pang bayarin ito napupunta.

Maaalalang sinabi ng isang farmers' group na ngayong panahon pa lang ipapatong ng mga magsasaka ang taas-presyo sa langis sa kanilang mga produkto. 

Nagkaroon ng aabot sa P12 na rollback nitong nakaraang linggo. Pero ayon sa mga industry player, posibleng magkaroon muli ng oil price hike sa susunod na linggo. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.