PatrolPH

Mga turista mula 'NCR Plus', bawal muna bumisita sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2021 10:44 PM

Hindi muna papayagang makapasok o makabisita sa Ilocos Norte ang mga turista mula sa "NCR Plus" o Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal.

Epektibo ito mula Lunes, March 22, hanggang April 4, 2021. 

Ito ang inanunsiyo ng Ilocos Norte Tourism Office sa kanilang Facebook page bilang pagsunod ng lalawigan sa Inter-Agency Task Force Resolution No. 104. 

 

Maaaring ipa-reschedule ang biyahe para sa may pre-approved booking. Ang mga turistang galing sa ibang lugar ay maaring ipagpatuloy ang kanilang scheduled travel. 

Sa pinakahuling tala ng lalawigan nitong Martes, nasa 981 na ang COVID-19 cases sa Ilocos Norte, at anim dito ang namatay na. 

Ang dalawang pinakahuli ay naitala ngayong buwan, isang-38 anyos na lalaki mula Brgy. Bubuos, Solsona, at 61-anyos na babae mula Brgy. 17, Batac City.--Ulat ni Grace Alba


KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.