PatrolPH

Lalaking nagpanggap umano na miyembro ng NPA, timbog sa pangingikil

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2021 11:26 PM | Updated as of Mar 25 2021 11:16 AM

Lalaking nagpanggap umano na miyembro ng NPA, timbog sa pangingikil 1
Kuha ng Solano Police Station

Arestado ang isang lalaki matapos siya ireklamo ng pangingikil o extortion ng isang negosyante sa Solano, Nueva Vizcaya nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Romuel Salmos, 39, residente ng Bonfal Proper sa katabing bayan ng Bayombong. 

Ayon sa Solano Police, nagpanggap umano na miyembro ng New People’s Army ang suspek kung saan ay hiningan niya ang 39-anyos na babaeng negosyante ng halagang P60,000 bilang "revolutionary tax." 

Nagpupumilit din umano ang suspek na makipagkita sa isang hotel ang biktima para makipagtalik.

Agad na nagsumbong sa pulis ang biktima kung kaya naikasa ang entrapment operation laban sa suspek.

Narekober sa kaniya ang 60 piraso ng P1,000 boodle money.
Nakumpiskahan din ang suspek ng limang sachet na naglalaman ng umano’y shabu at mga drug paraphernalia na nakatago sa eyeglass case. 

Sinampahan na ang suspek ng reklamong robbery extortion at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

- Ulat ni Harris Julio

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.