Mga street dweller sa QC, pinairal ang social distancing para manatili sa kalsada

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 08:07 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ilang mga street dweller ang pinairal ang social distancing para manatili sa kalsada sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City nitong Martes ng umaga.

Ayon sa isang street dweller, mas pipiliin pa nilang manatili sa kalsada kaysa makipagsiksikan sa mga relocation site at baka roon pa mahawa sa novel coronavirus.

Pinaalalahanan umano sila ng mga taga-barangay na pairalin na lamang ang social distancing kung ayaw talaga nilang umalis.

"Gusto ko rin po na magkaroon po kami ng sariling bahay. Kaya lang po, sa ngayon na mayroong COVID-19, kahit dito na lang kami. Huwag na muna nila kaming paalisin dito," ayon sa isa sa mga street dweller.

"Kasi baka roon mamaya [kung saan kami dadalhin], baka lalo naman kaming magkaroon ng mga virus na ganyan."

Sa ngayon, nagbigay na ang barangay ng mga food packs sa mga residente ng Barangay Pinyahan kabilang ang mga street dweller.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.