Kagawad sa Negros Occidental patay matapos barilin sa palengke

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 02:34 PM

PONTEVEDRA, Negros Occidental — Patay ang isang kagawad ng barangay sa bayan na ito noong Lunes matapos mauwi sa pamamaril ang panghoholdap sa biktima.

Ayon sa pulisya, nakabantay sa kaniyang tindahan ng feeds sa palengke si Edward Dominic Algara, 45, nang holdapin noong umaga ng Lunes. 

Nauwi sa pamamaril ang tangkang holdap at napuruhan ang biktima matapos paputukan sa ulo at kaliwang bahagi ng katawan.

Si Algara ay kagawad ng Barangay Antipuluhan. 
 
Nakatakas naman ang salarin. Inaalam pa ng mga awtoridad kung magkano ang natangay na pera mula sa shop ni Algara. 

Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung may iba pa bang motibo sa krimen. 


—Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.