Dabawenyo, gumawa ng handwash machine para sa frontliners

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 03:21 PM | Updated as of Mar 26 2020 05:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

DAVAO CITY - Gumawa ng handwash machine para sa mga frontliners ang isang Dabawenyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tinatayang 300 katao ang pwedeng gumamit nito sa isang araw, ayon kay Garner Ted Tolibas.

Tulong umano niya ito sa mga frontliners na nagsasakripisyo para maagapan ang tumataas na bilang ng COVID-19 patients.

"Bisan ingon ani lang ni siya nga machine, makatabang siya nga maka-sanitize, maka-disinfect aning virus. Wala koy laing tumong, makatabang lang sa mga tao sa atong kahimtang karon," aniya.

(Kahit ganito lang ang machine na ito, makakatulong siya para maka-sanitize at maka-disinfect ng virus. Wala akong ibang nais kundi ang makatulong lang sa mga tao.)

Simula Marso 15, nakagawa na ng 2 handwash machines si Toliba at kaniyang mga kasama. Ibibigay ito sa Southern Philippines Medical Center at Talomo Police Station.

"We are grateful that we have these kind of people who are compassionate at nakikita ang aming mga ginagawa para sa bayan. This machine will be of great help to prevent the spread of COVID-19, lalo pa at napakaraming kliyente ang pumupunta dito araw-araw sa istasyon," ani Lt. Col. Ronald Lao, hepe ng Talomo Police.

Sa ngayon, limitado pa ang paggawa ng makina bunsod ng kakulangan ng materyales.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.