3 online seller ng 'overpriced' alcohol arestado sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 11:42 AM

DAGUPAN, PANGASINAN - Arestado ang tatlong online seller na idinadawit umano sa pagbebenta ng overpriced na alcohol sa Alaminos. 

Nag-ugat ang entrapment sa mga reklamo laban sa overpriced na alcohol na natanggap ng mga awtoridad. 

Nahuli ang tatlong suspek sa bisa ng entrapment operation kung saan nagpanggap na buyer ang ilang taga- National Bureau of Investigation - Dagupan, 

Aabot sa P16,000 ang halaga ng 2 kahon ng ibinebentang alcohol ng suspek, ayon sa NBI. 

Ayon sa Department of Trade and Industry, P41.75 kada 250 ml ang suggested retail price ng alcohol pero naibebenta umano ito ng online sellers sa P130 kada piraso. 

Nahaharap sa paglabag ng Republic Act 7581 o Price Act ang mga suspek. 

— Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.