Motorcycle rider patay nang sumalpok sa puno sa Agusan del Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2019 02:06 PM | Updated as of Mar 24 2019 03:09 PM

Patay ang isang lalaki sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte matapos sumalpok sa puno ang sinasakyan niyang motorsiklo noong madaling araw ng Sabado.

Pauwi sana si Ronald Jonathan Guindulman, 20 anyos, nang mawalan ng kontrol sa minamaneho niyang motorsiklo, dahilan para bumangga siya sa isang malaking puno.

Hindi naka-helmet si Guindulman nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo si Guindulman ng mga sugat sa mukha matapos tumilapon at matusok sa sanga ng puno. Nabali rin ang mga paa niya.

Dumalo sa inuman kasama ang mga kaibigan si Guindulman bago ang aksidente, ayon sa kaniyang ama.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.