SAPUL SA CCTV: Mag-ina, nabundol ng humaharurot na van

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2018 08:25 PM | Updated as of Mar 25 2018 04:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Papunta sanang mall ang mag-inang Bibiana at Rose Anne Dagdag para magpalamig pero sa ospital ang bagsak nila matapos mabundol ng isang van Biyernes ng gabi.
    
Sa kuha ng CCTV, makikita na makalampas dumaan ng isang pampasaherong jeep, agad sumunod ang matulin na van at dumiretso ito sa kanto kung saan nasapul ang naglalakad na mag-ina.

Sa rescue video, pinagtulungan ng Bantay Bayan ang pag-urong sa van matapos maipit ang kaliwang paa ni Bibiana.

Inoobserbahan pa ngayon ang biktima sa ospital dahil sa masakit na tadyang. Hindi naman napuruhan ang batang si Rose Anne dahil nailigtas siya ng kaniyang ina. 

"Hirap po siya (Bibiana) huminga bale 'yung may tatlong bali ang rib niya...Para sa akin po sobrang luma na 'yung sasakyan, 'wag na gamitin para wala nang iba madisgrasya," ani Roland Dagdag, anak ng biktima.

Todo-hingi naman ng paumanhin ang senior citizen na driver na si Ricardo Veran.

"Na-loose brake po. Pag-kontrol ko doon, dirediretso na ibinangga ko na lang sa pader," paliwanag ng tsuper. 

Nagpaalala naman ang barangay sa mga motorista na dapat tiyakin na nasa kondisyon ang mga sasakyan bago gamitin. 
--Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.