Lalaki sugatan sa hit-and-run sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2018 09:32 AM

Sugatan ang isang lalaking nakasakay sa motorsiklo matapos mabiktima ng hit-and-run sa Kalayaan Avenue corner V. Luna Avenue sa Quezon City Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Dannielle Santos.

Kuwento ng isang testigo, nasa likuran siya ng motorsiklo ni Santos nang banggain ito ng isang gray na sasakyan.

Tumilapon ang rider habang humarurot ang sasakyan.

Duguan ang ulo ni Santos at halos hindi makagalaw nang maabutan ng ABS-CBN News.

Iniimbestigahan na ng Quezon City Traffic Sector 3 ang aksidente. 

-- ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.