AWOL na pulis timbog sa buy-bust sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2018 09:42 AM | Updated as of Dec 18 2018 10:09 PM

Kalaboso ang isang pulis na ilang taon nang absent without leave (AWOL) sa ikinasang buy-bust operation sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Chief Insp. Salvador Tangdol ng Manila police, nagsagawa sila ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ukol sa ilegal na gawain ng dating pulis.

Nag-AWOL ang suspek na may ranggong Police Officer 3 noong 2014. Nagpanggap din umano itong operatiba ng isang drug enforcement unit.

Bumili ang isang poseur buyer ng P1,000 halaga ng shabu sa dating pulis. Nang magpositibo ang transaksiyon, agad itong inaresto.

Narekober sa kaniya ang 21 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P100,000.

Inaresto din ng mga pulis ang kasamahang lalaki ng suspek.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. -- ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.