5 kolorum na UV Express, hinuli ng HPG

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2018 08:14 PM | Updated as of Feb 20 2020 02:12 PM

Watch more in iWantTFC

Limang UV Express na biyaheng Cogeo-Cubao ang nahuli ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa kanilang "anti-colorum operation" nitong Sabado ng umaga.
    
Ang operasyon ay bunsod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang lahat ng mga kolorum na sasakyan sa buong bansa kasunod ng aksidente ng Dimple Star Bus sa Occidental Mindoro.

Naka-impound ngayon ang limang sasakyan na pawang mga private plate at walang prangkisa.
    
Bukod sa pagkaka-impound ng sasakyan, may multa pa itong P200,000.
    
Nagbabala ang HPG na araw-araw ang kanilang gagawing operasyon lalo’t inaasahang marami ang bibiyahe na kolorum sa Holy Week.
    
Bukod sa mga kolorum na sasakyan, sinita rin ng HPG ang mga sasakyang gumagamit ng mga commemorative plate para makaiwas sa mga traffic violation.
    
Sunod na huhulihin ng HPG ang mga sasakyan na iligal na gumagamit ng blinker at LED lights.
    
--Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.