Magkapatid, timbog sa drug raid

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2017 04:26 PM

BACARRA, Ilocos Norte - Arestado ang magkapatid na sina Vicente, 50, at Joseph Albano, 40, matapos masamsam sa tahanan nila ang mga sachet ng hinihinalang shabu kahapon.

Armado ang operatiba ng 2 search warrant laban sa magkapatid.

Nakuha sa kubo-kubo ni Vicente ang 7 sachet ng shabu.

Sa kwarto naman ng kababata nitong kapatid na si Joseph narekober ang anim na sachet na di umano'y shabu.

Itinanggi nang dalawa ang akusasyon sa kanila.

Ayon sa pulisya, sumuko na noong nakaraang taon ang dalawa dahil sa paggamit nila ng iligal na droga.

"Sa pagbabalik ng pulisya sa war on drugs marami pang operasyon tayong gagawin para matigil na ang iligal na aktibidad na ito sa probinsya," ayon kay Chief Inspector Dexter Corpuz. 

Haharap ang magkapatid ng kasong pag-iingat ng ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.