Lalaki patay matapos tumalon sa mall sa Cainta

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2017 06:14 PM

Patay ang isang lalaki matapos tumalon mula sa ikaapat na palapag ng Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta.

Kinumpirma ito ni Ricardo Pauig, Desk Officer ng Sta. Lucia East Grand Mall.

Sa video na kuha ni Bayan Patroller Romir Gabrielle Torres, makikita rin ang isang babaeng tinutulungan ng mga nakamasid. Tila hindi siya makagalaw at may iniinda sa kaniyang ulo.

Kita rin sa video na nagkagulo ang mga tao sa mall kung saan naganap ang insidente. 

Samantala, isang grupo sa Pilipinas ang nag-aalok ng tulong para masagip ang mga nag-iisip na kitilin ang kanilang buhay. 

Layon ng crisis hotlines ng Natasha Goulbourn Foundation na maiparamdam sa mga naturang indibidwal na mayroong handang makinig sa kanila. Maaring tawagan ang grupo sa mga naturang numero: 

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776