PatrolPH

Motorbanca bumangga sa dolphin sa Cagayan, 4 nasagip

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2023 12:35 PM | Updated as of Mar 23 2023 01:08 PM

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang mga sakay ng isang motorbanca na lumubog sa Cagayan nitong Lunes. Larawan mula sa CGSS Sta. Ana
Nasagip ng Philippine Coast Guard ang mga sakay ng isang motorbanca na lumubog sa Cagayan nitong Lunes. Larawan mula sa CGSS Sta. Ana

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga sakay ng isang motorized banca na lumubog sa karagatang sakop ng Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa PCG Sub-Station Sta. Ana, patungong Babuyan Claro ang MB Kiray lulan ang 4 na crew noong Lunes, Marso 20.

Pero habang binabaybay ang vicinity waters ng Palaui Island ay aksidenteng nabangga ang starboard bow nito ng isang dolphin (lumba-lumba) na may 5 metrong haba kaya lumubog ang kalahating bahagi ng bangka.

Inihagis na lang ng mga sakay ang ilang mga kargamento sa tubig para hindi tuluyang lumubog ang bangka, ayon pa sa PCG Sub-Station Sta. Ana.

Agad silang nagsagawa ng search and rescue operation nang matanggap ang impormasyon tungkol sa pangyayari.

Nasa maayos naman na kondisyon ang mga nasagip. 

Inabandona na muna ang bangka dahil mahirap pa umanong hatakin ito.

— Ulat ni Harris Julio

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.