PatrolPH

Bata patay matapos masagasaan ng closed van sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2023 01:10 PM | Updated as of Mar 23 2023 08:16 PM

Watch more News on iWantTFC

Patay ang isang 5 taong gulang na lalaki matapos masagasaan ng closed van sa Taguig nitong umaga ng Huwebes.

Base sa CCTV footage ng insidente sa Mindanao Avenue sa Barangay Maharlika, makikitang nakaparada ang isang truck sa gilid ng kalsada nang biglang tumakbo ang bata sa harapan nito papunta sa gitna ng kalye. 

Sakto namang nag-overtake ang closed van kaya nasagasaan ang bata, na pumailalim din sa nasabing behikulo.

Ayon sa driver, hindi mabilis ang kaniyang takbo dahil puno ang kaniyang sasakyan ng kargang feeds.

"Mabagal lang naman takbo ko, 'di ko napansin pagtawid ng bata. 'Di ko napansin eh wala ako nakita. Wala," anang driver.

Tumanggi nang magpaunlak ng panayam sa ABS-CBN News ang ama ng bata habang ang ina nito'y nasa ibang bansa. 

Mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.