PatrolPH

1 sugatan, 24 pamilya apektado ng sunog sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2023 11:46 PM

Sumiklab ang sunog sa Davao City Miyerkoles ng hapon na tumupok sa siyam na bahay, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Nangyari ang trahedya sa Zone 1, Barangay Panacan bandang 1:38 ng hapon.

Sa Facebook post ng Sangguniang Kabataan chairman ng barangay na si Bayan Patroller Ryan Jay Bucao Calsa, kita ang makapal na usok mula sa nasusunog na mga bahay.

 

Ayon kay Senior Fire Inspector 4 Ramil Gillado, bandang 3:38 ng hapon nang maapula ang apoy.

Aabot sa 24 pamilya ang apektado ng sunog na hanggang ngayon ay inaalam pa ang sanhi.

Walang nasawi sa insidente pero isang residente ang nasaktan.

Tinatayang nasa P960,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.

- Evangel Reyes, Bayan Mo iPatrol Mo Intern

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.