Pulis timbog sa panggagahasa umano sa Angeles City

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2021 02:35 AM | Updated as of Mar 23 2021 02:43 AM

Isang pulis ang inaresto sa kasong pagmomolestiya at panggagahasa sa Angeles City, Pampanga nitong Huwebes.

Ayon sa Police Regional Office-3, hinuli ng mga operatiba si Police SSgt. Fernando Ladrillo, 47, na kasama sa list ng most wanted sa rehiyon.

Naka-assign sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng PRO-3 ang suspek.

Nahaharap sa kasong rape at acts of lasciviousness si Ladrillo.--Ulat ni Gracie Rutao


MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.