PatrolPH

500 bahay natupok sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2020 02:24 PM

Aabot sa 500 bahay ang natupok sa sunog na tumama sa isang residential area sa Bacoor City, Cavite madaling araw ng Lunes.

Nasa 3,000 tao ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Barangay Zapote V, ayon sa mga awtoridad.

Isa sa tinitingnang sanhi ng sunog ang electrical overload, sabi ni Fire Superintendent Rene Bullos.

Idinaing ng ilang residente ang dagdag-kalbaryo na dulot ng sunog gayong naka-lockdown din ang lungsod, na sinimulang ipatupad noong Huwebes bilang hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19. 

Pansamantala munang mananatili sa evacuation center ang mga nawalan ng tirahan sa insidente, na humingi rin ng tulong mula sa gobyerno. -- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.